Sa Isang Facebook Post ng isang Netizen na si Cez Rivera, isinulat nya ang kanyang suhestyon na kung maaari ay baguhin ang sistema sa kasalukuyang pag gamit ng Quarantine Pass sa Cavite kung saan isang tao lamang ang pwedeng lumabas dahil sa kanya lang nakapangalan ang Quarantine Pass.
Narito ang kanyang post,
Dear Governor Jonvic Remulla,
Hi Gov! Supporting your ordinances and decisions for the province. Pero sana po i-consider niyo ito.
Example: Here in Dasma, 1 QPass per household. With name and picture ng holder. Nanay yung holder kasi all members ng family ay working. Pero paano kung bibili ng mabigat na bitbitin si Nanay like bigas na 25kg. So sino po bubuhat nun kung walang sasakyan? Or kung may sasakyan po, at di marunong magdrive ang QPass holder? Or paano kung after work need bumili ng mga pangangailangan sa groceries or mall kasi madadaanan na nila yun pauwi para di na lalabas pa si Nanay ng bahay? Or off nung isang working member na mas malakas kay Nanay kaya siya ang available na mamili that time. Or paano kung yung specific na purpose ng paglabas ay para dun sa specific na member ng pamilya, pero di holder ng QPass? Point po ay, may mga need na paglabas ang bawat miyembro na di pwedeng gampanan ng ibang miyembro. At dahil din po may curfew hours pa, sobrang limited ng time ng lahat. Alam ko po madami pang ganitong scenario sa bawat tahanan ngayon, iilan lamang po itong halimbawa.
Sana payagan yung 1QPass per household pero kahit sino na dun sa household na yun ang pwedeng maghawak/lumabas basta isa lang. Di yung need i-specify at may pa-picture pa para di papayagan kung di yun yung holder. Pwede siguro pong Family Name yung nakalagay sa pass? Kasi we need to maximize din yung time at availability minsan. Para hindi paulit ulit yung paglabas. Logic is, isa lang naman yung QPass, so isa pa din yung lalabas na member ng family. Sana po ganun yung flexibility ng GCQ. Kasi parang mas kumplikado pa ngayon kesa sa ECQ eh. Also, kaya napipilitan yung iba na mandaya ng QPass dahil din sa hindi flexible para sa karamihan yung existing policy now.
Suggestion lang po base sa personal at naririnig na problema ng mga households dito. For consideration po, ngayon if there are better reasons than this, wala naman pong problema. Still, we are in cooperation to be part of the solution.
Sana po makarating o mabasa ninyo!
Thank you, Gov!
Dear Governor Jonvic Remulla, Hi Gov! Supporting your ordinances and decisions for the province. Pero sana po...
Posted by Cez Rivera on Friday, May 22, 2020
Social Plugin