Nakadepende sa mga LGU ang pag uumpisa ng pamamahagi ng 2nd Tranche ng SAP, yan ang sabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado.
"Dependende kami diyan sa liquidation ng ating mga LGUs. Kasi ang nasa guidelines, kailangan muna ma-validate 'yung na-send out na first tranche para sa ganon, 'yung duplication ay siguradong hindi maulit sa 2nd tranche," assistant secretary Joseline Niwane said.
"So kung mayroon tayong na-doble o kaya may na-duplicate or hindi eligible, ma-clarify kaagad," she added.
Samantala, umabot na sa 1,270 LGU ang nakapag sumite na ng kanilang Liquidation report at hinihintay na lamang ang iba pa (DSWD) said.
Sinabi naman ng DSWD na sisiguraduhin nilang matatapos agad ang liquidation kahit na mahirap dahil nga sa maikling deadline na ibinigay sa kanila.
"Alam naman natin na COA pa rin in the end ang magpo-post audit nito. So I think our LGUs would not like na may mahanap din na magiging kasalanan nila, so talagang careful din sila," Niwane said.
"We have to do something para siguradong maibigay din on time 'yung pangangailangan ng ating mga kababayan kasi alam naman natin na ito ang time na kailangan nila ang tulong," she added.
The agency clarified that distribution and liquidation of the SAP subsidy is extended to June.
Aside from this, the DSWD is also waiting on a memorandum from Malacanang regarding the distribution process of the 2nd tranche. —
Social Plugin