Sa Facebook Post ni Cavite Governor Jonvuc Remulla ngayong lunes ng umaga, sinabi nya na marami ang nagsasabi sa kanya na huwag na payagan ang pag angat ng Liquor Ban. Halos 50/50 raw ang may gusto at may ayaw. Inilahad nya kung bakit kailangan na alisin ang Liquor Ban sa Cavite.
1. Ang liquor ban ay nagbigay buhay sa bagong black market Ng alak. Halimbawa, yung mga mga naluwas ng Maynila dala ang tinapa ay nagaangkat ng empi light pabalik at bibebenta ng double ng presyo dati.
2. Sa sobrang desperado magka amats ng matu ay pati lambanog na gawa sa lason ay pinatulan na. Tuloy, may ibang napinsala dahil dito.
3. Para sa karamihan, Ito ay pang relax nila pagkatapos ng isang stressful day. Isang beer bago kumain pampagana at isa habang nanood ng TV.
4. Para sa mga mandaragat na palaot ng alas kwatro ng hapon para maghanap buhay. Nauwi ng alas Tres ng madaling araw para ibagsak sa pandawan at bulungan ang kanilang huli. Marami ay gin bulag lang ang makatapat para antukin sa kainitan ng araw.
Ito ay ang iilan lamang sa mga nakikita nyang rason kung bakit kailangan na ulit payagan ang alak sa lalawigan ng Cavite.
“Ito ay isa sa maraming dahilan kung bakit dapat ibalik.”
Dagdag pa nya, bukas daw ay ilalahad din nya ang mga dahilan kung bakit kailangan naman manatili ng liquor ban, hindi din daw kailangan maging nega at at umangal agad dahil hindi naman daw ito paligsahan kung sino o kung ano ang dapat, ito aniya ay isang healthy conversation sa isang community at kailangan ng mas malinaw na pang unawa.
“ Bawal muna nega. ipaalam nga ninyo sa akin kung tama o mali o kung may kulang pa sa akin nilahad. Bukas, kung bakit naman dapat manatili ang liquor ban. “
Ikaw, ano sa palagay mo? Dapat na nga ba alisin ang Liquor Ban?
Social Plugin