Inamin ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kanyang Facebook post ang kanyang pag aalala sa kahandaang ng lalawigan ng Cavite sa paparating na School Year sa darating na August 24, 2020.
Sa kanyang facebook post ay sinabi nya ang ilan sa kanyang mga iniisip.
1. Ako ay nag aalala sa kahandaan natin para sa bagong school year umpisa August 24.
- Kailangan ng investment para sa hand washing facilities para sa kada school site.
- We have to harness the Barangay covered basketball Courts as alternative Remote learning centers.
- kailangan mag invest ng 1 Bilyon piso para sa free wifi dito at 15,000 computers na ikakabit sa buong Cavite.
- kaya naman. Ang kulang ay oras at payagan tayo ng National Government.
2. Dapat may targeted testing tayo para sa mga teachers at mass testing para sa mga studyante.
- hinde 1 time Ito kung hinde year round.
3. Problema din ang mass transportation ng mga bata.
Aniya ay sunud-sunod din ang mga panayam nya sa mga experto sa mga Micro Biologist at Virologist ng Cavite State University at AUP maging ang mga DepEd District Supervisors at mga Bus Operators sa kabite.
Ngunit sa tingin ni Cavite Governor Jonvic Remulla, higit sa lahat ang kanyang pangamba ay ang
pinakamalaking hadlang ay Ang kompyansa Ng mga magulang na kapag napasok ang kanilang mga anak ay libre sila sa sakuna Ng Covid.
Sinigurado naman nya na Tuloy tuloy ang paguusap Ng mga mayor at congressman ukol dito. Sabi nya ay “Hayaan ninyo na walang tigil kami mag hahanap ng mga solusyon sa mga suliranin na ito.”
Social Plugin