Inanunsyo ng Malacañang, Lunes (Mayo 25), na maaari ng simulan ang ikalawang distribusyon Social Amelioration Program (SAP) para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Sa isang televised briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na 17 pamilya ang kabuuang bilang ng makikinabang sa ayudang manggagaling sa programa.
“Puwede na pong ipamahagi yung second tranche ng SAP. So kasama na po dyan yung limang milyong bagong pangalan na bibigyan po ng ayuda at yung 12 million na dati nang nakakuha ng ayuda during the first batch,” sabi ni Roque.
Dahil sa kakulangan sa pondo, limitado na lamang ang second tranche ng SAP sa mga pamilyang nasa enhanced community quarantine (ECQ) areas. At sa halip na local government unit (LGU), mga militar na ang mangunguna sa pamamahagi ng cash aid alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
"Ang pagkakaiba po, gagamitan natin ng electronic ways para magbayad sa ating mga kababayan at tutulong na po ang hukbong sandatahan sa pagdidistribute ng ayuda,” saad ni Roque.
Social Plugin