Matatandaan na gumawa ng survey si Cavite Vice Governor Jonvic Remulla kahapon upang malaman ang mga opinyon ng mga Caviteño sa nalalapit na pasukan Sa August 24, 2020.
SURVEY: Sa iyong palagay, papapasukin mo ba ang iyong anak sa eskwelahan kahit wala pang bakuna sa COVID-19?
Posted by Jolo Revilla on Friday, May 22, 2020
Ngayong tanghali, May 23 sa kanyang facebook page ay sinabi nya na sya ay gumagawa na ng mga rekomendasyon na kanyang ipadadala sa IATF, narito ang kanyang facebook post.
“Tatlong buwan mula ngayon ay nalalapit na ang pasukan ng mga estudyante. Sa panahon ng pandemiya ay nais nating lahat na maging ligtas ang mga bata at makasiguro na ang mga magulang ay kampanteng nasa mabuting kalagayan ang kanilang mga anak.
Sa ginawa nating survey, na kung saan “papapasukin mo ba ang iyong anak sa eskwelahan kahit wala pang bakuna sa COVID-19” nakita po natin na karamihan sa mga sumagot ay “Hindi” papapasukin ang kanilang mga anak dahil sa pangamba at takot na maaaring mahawaan ng sakit ang kanilang mga anak.
Nakita po ito ng ating Gobernador at nais itong gawan ng aksyon at paghandaan ang nalalapit na school year simula August 24.
Bilang isang magulang din, kaisa niyo ako sa pagkabahala sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa darating na Agosto. Ipararating po natin ang ating mga agam-agam sa kinauukulan.
Agad ko pong ginagawan ng summary ang lahat ng inyong ipinahayag at ipinarating para makabuo ng mga rekomendasyon sa ipadadala natin sa IATF. Sa nagkakaisa nating boses, positibo akong matutugunan ang ating pagkabahala.
Tayo po ay magtulungan upang labanan ang pandemiya na ito at siguraduhin po natin na tayo ay sumusunod sa ating pamahalaan.
Sa nagkakaisang Cavite, Walang Imposible!”
Tatlong buwan mula ngayon ay nalalapit na ang pasukan ng mga estudyante. Sa panahon ng pandemiya ay nais nating lahat na...
Posted by Jolo Revilla on Friday, May 22, 2020
Social Plugin