Hot Posts

6/recent/ticker-posts

3 lugar sa Cavite - COVID HOTSPOT



NILAGAY sa hotspot ang tatlong lugar sa Cavite dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nagiging positibo sa COVID-19.
Ayon kay Cavite Gov Jonvic Remulla, kabilang dito ang Dasmariñas City, Bacoor, at bayan ng Rosario dahil sa mga COVID-19 case na karamihan umano ay galing sa Metro Manila.
Sabi pa ni Remulla, posible nang payagan ang pagbabalik sa mga church service bagama’t 50 porsyento lang ang maaaring pumasok sa mga simbahan, at susundin pa rin ang mga health guideline.
Maaari nang magpunta kahit sa anumang mall pero paiiralin pa rin ang dating panuntunan na isang oras at kalahati lang dapat ang itatagal ng isang mallgoer simula sa July 22.
Binawasan din ng 30 minuto ang curfew sa Cavite mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:30 ng madaling araw para bigyan ng psgkakataon ang mga nagtatrabaho. 

Recent Post

recentpost