Hot Posts

6/recent/ticker-posts

“Ang dami ko ng nakuhang complaints mula sa Prime Water - Gov. Jonvic Remulla




Sa facebook live ni Cavite Governor Jonvic Remulla ngayong hapon, July 4, 2020 ay sinagot nya ang concern ng isang Netizen na nag raise ng concern patungkol sa problema ng mga taga Dasmariñas at ibang lugar sa Prime Water.

“Dito po pa check ang prime water sa Dasma, wala na pong tubig at ang laki pa ng bill.”

Agad naman itong sinagot ni Cavite Governor Jonvic Remulla at ipinangakong tatawagan ang Mayor ng Dasmariñas at iba pang lugar kung saan may Prime Water.

“Alam mo ang dami ko ng nakuhang complaints mula sa Prime Water, tatawagan ko po bukas ang mayor ng Dasmariñas at yung iba pang mga lugar na kung saan may Prime Water dahil yun ang number 1 complaint eh, na kulang na kulang daw ang tubig na dumarating kumpara nung panahon ng water district pa, siguro may ginagawa lang sila pero I will to the bottom of it re-report ko yn next week promise po.”

Matagal na ang problema ng mga taga Dasmariñas sa tubig, ilan sa kanilang mga reklamo ay ang madumi at kulay putik na lumalabas sa kanilang gripo, pangalawa ay kailangan gumising ng madaling araw para mag hintay kung may papatak na tubig, at higit sa lahat ay ang mataas na singil sa mga consumer ng Prime Water.

Iginiit naman ng Prime Water na ginagawa nila ang lahat para mabigyan ng magandang daloy ng tubig ang mga customers nila.

Recent Post

recentpost