Ngayong araw, August 15 nakatakdang matapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payout para sa second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) na layong makapagbigay ng ayuda sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya. Noong Lunes (Agosto 10), ay sinabi ng DSWD na PHP2.84 billion na lamang ang halaga ng ayuda na kailangan nilang ipamahagi matapos nilang i-anunsyo na 14.1 milyong pamilya na lamang ang target na mabigyan ng cash aid ng SAP. Kasabay niyan ay ang pag anunsyo nila na sila ang nagtanggal ng ‘duplicate’ at ‘not qualified’ umano na benepisyaryo ng SAP na nadiskubre na sa kanilang isinagawanh validation.
Bumaba ang bilang ng mga benepisyaryo ng programa matapos madiskubre ng ahensya ang 842,014 duplicate beneficiaries at 200,000 na pamilyang hindi naman kwalipikado sa programa. “The deduplication process for the beneficiaries have caused a delay in the timeline but DSWD needs to make sure that they are giving the aid, the people’s money to deserving recipients,” sabi ni Undersecretary Glen Paje sa nakaraang uSAP Tayo briefing. Una ng ipinahayag ni Secretary Rolando Joselito Bautista na matatapos ng DSWD ang implementasyon ng SAP sa darating na Agosto 15.
Hindi pa rin naglalabas ng update ang DSWD kung i e-extend pa ba o hindi na dahil may mga pamilya pa rin na umaasang maaayudahan. Ibang nga pamilya na may form at nasa ‘waitlist’ pero hindi pa rin nakakatanggap ng text o update kung sila ay makakakuha pa ng ayuda mula sa gobyerno.
Social Plugin