Hot Posts

6/recent/ticker-posts

Isang health expert, nirerekomenda ang 2 weeks extension ng MECQ sa Cavite at iba pang lugar


Gustong ng isang Health Expert at dating adviser ng National Task Force on COVID-19  na si Dr. Leachon na i-extend pa ng 2 weeks ang MECQ sa mga lugar ng Cavite, Metro Manila at iba pa.

Aniya, hindi pa rin daw sapat ang 2 linggo na nag MECQ ang mga lugar na ito dahil base sa datos ay patuloy ang pag taas ng kaso ng mga nagpo-positibo sa COVID-19 sa mga lugar na ito.

Sa isang panayam ay sinabi nya na,

“What is clear right now, unrelenting ang pagtaas ng cases natin, hindi natin nababawasan ang viral transmission. If we go down sa GCQ (general community quarantine), all the more na 'yung viral transmission ‘di natin makokontrol while the health system capacity is not yet in place,”

Dagdag pa nya,

“Pag nag-GCQ maraming taong babalik sa trabaho, mawawala 'yung gains ng MECQ kasi masyadong maiksi 'yung panahon na naibigay dito. 'Yung momentum nawawala,”

“...[I]f we can sacrifice for 2 weeks, ibaba natin ang figures then we’ll have a merry Christmas rather than i-open natin, mag-GCQ tayo and later on sa bandang September balik tayo sa MECQ kaya ‘di tayo magsa-succeed nun, walang continuity,”

Samantala, inanunsyo naman ng Malacañang, Sabado (August 15, 2020) na ang mga lugar na inilagay sa MECQ ay bababa na sa GCQ maliban lamang sa Cavite, Metro Manila at iba pa. Nakatakdang pag desisyonan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa August 17, Lunes ang magiging bagong klasipikasyon kung bababa na sa GCQ o ma e-extend pa ang MECQ sa mga nasabing lugar.


Recent Post

recentpost