Hot Posts

6/recent/ticker-posts

Lalabag sa itinakdang presyo ng Face Shield pagmumultahin ng P2M - DTI



News Articles on face-shield | ABS-CBN News


Isa ang Face Shield sa in-demand ngayon dahil iniutos ng Gobyerno ang pag susuot nito sa pampublikong transportasyon at ang ilan sa mga LGU o Local Government Units ay nag re-require na rin nito, ang ilan ngang mga establisyemento ay nag re-require na rin nito para makapasok.

Magkano nga ba ang SRP o Suggested Retail Price nito?

Sa utos kasi ng gobyerno, P26 hanggang P50 ang suggested retail price sa kada piraso ng face shield.

Maraming Online Seller ang ngayon ay nagbebenta ng mga Face Shield pero hindi sa itinakdang SRP. Ang ilan kasi sa kanila ay nag bebenta ng 80 pesos o higit pa.



Ganun din ang ilang malalaking supermarket na nagtitinda nito ay hindi sumusunod sa SRP. Giit naman nila ay ia-adjust na ang presyo ng kanilang face shields para makasunod sa SRP.

Sa mga SM Supermarket, SM Hypermarket at SaveMore, tig-P50 ang garter type habang 2 para sa P100 ang "with frame."

Parating pa lang umano ang stock ng face shield sa Robinsons Supermarket at Puregold pero tiniyak ng mga pamunuan na susunod sila sa SRP.
Wala ring supply ngayon ng face shield ang Mercury Drug pero nangako ang pharmacy na hanggang P50 lang ang magiging bentahan ng face shield.

DTI spot-checks prices, supply of face shields in Bambang, Manila ...
Nilinaw naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang tamang face shield ay iyong buong mukha ang may takip at hindi kalahati lang.

May multang kulong ang mahuhuling sobra sa SRP ang presyo ng face shield, ani Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Samantala, gumagawa rin ng face shield ang shared service facility ng DTI sa Marikina para ipang-donate.

Gamit ang isang makina, kaya umanong gumawa ng pasilidad ng DTI ng 3,000 face shield kada araw, na puwede raw ibigay sa mga nangangailangan.

Simula Agosto 15, kailangan nang magsuot ng face shield ng mga empleyado sa opisina at mga pasahero sa pampublikong transportasyon.

Recent Post

recentpost