Hot Posts

6/recent/ticker-posts

SSS Members maaaring makatanggap ng P20,000 kung nawalan ng trabaho



Lahat ng mga aktibong miyembro ng Social Security System (SSS) ay tatanggap ng financial assistance na aabot hanggang P20,000, base sa kanilang salary credit, ayon sa isang opisyal ng ahensya, Martes (Hunyo 9).

Ayon kay SSS Public Affairs and Special Events Division head Fernando Nicolas, kinakailangan lamang ng mga miyembro na magpakita ng certification mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at kanilang savings account.

“Up to 20,000 o katumbas po ito ng one month salary credit. Halimbawa, ang isang miyembro ay naghuhulog ng para sa P20,000 monthly salary credit, makakakuha po siya ng ganung halaga," sabi ni Nicolas.

“Ang kailangan lang nilang i-present ay ‘yung certification galing sa DOLE na sila ay involuntarily separated. Tapos i-present nila ‘yung savings account kung saan natin ide-deposit,” dagdag pa niya.

Nilinaw ni Nicolas na kahit pa nakatanggap na ng ayuda mula sa ibang mga ahensya ang mga miyembro ng SSS, ay maaari pa rin silang makakuha ng unemployment aid. Samantala, ang mga miyembro na nakarehistro bilang self-employed ay hindi kwalipikado para sa cash assistance.




Paano nga ba ang proseso ng pag aaply ng SSS Unemployment Benefit?

Tanong: Ano ang Unemployment Benefit?
Sagot:

Ito ay isang cash benefit na ibinibigay sa lahat ng empleyado, kabilang ang mga Kasambahay at Overseas Filipino Workers (land based at sea based), sapilitang nawalan ng trabaho.



Noong nakaraan Oktubre 2018 ang proposal ng SSS na “Social Security Act of 2018” o Section 14-B ng Republic Act No. 11199 ay naaprubahan na ng gobyerno at naging isang ganap na batas. Nakapaloob dito ang pagpapatupad ng Unemployment Benefit para sa miyembrong sapilitan na nawalan ng trabaho at ito ay naging epektibo noong March 5, 2019.



Base sa official website ng Social Security System, narito ang mga listahan ng mga maaaring mag-apply sa SSS Unemployment Benefit:


  • Hindi lalampas sa edad na 60 years old na natanggal sa trabaho 
  • Nakapagbayad ng hindi bababa sa 36 monthly contributions (3 years)
  • Mga hindi nakatanggap ng kahit anong employment benefit sa loob ng tatlong taon mula sa buwan ng nawalan ng trabaho 
  • Mga trabahador na nawalan ng trabaho sa kadahilanan ng pagbaba ng ekonomiya, pandemya, kalamidad o sakuna.
  • Mga trabahador na nawalan ng trabaho base sa kanilang sitwasyon ay maaari ring mag apply ngunit magbabase  ito sa assessment at desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE). 

Mga dokumento,hakbang at kung saan dapat isumite sa pag-pa file ng benepisyo:

1. Original at photocopy ng isa (1) sa mga sumusunod na primary ID cards/documents

· UMID (SSS/GSIS)
· SSS Card
· Alien Certificate of Registration
· Driver’s License
· Firearm Registration
· License to Own and Possess Firearms
· NBI Clearance
· Passport
· Permit to Carry Firearms Outside of Residence
· Postal Identity Card
· Seafarer’s Identification and Record Book; or
· Voter’s ID Card

2. Sertipikasyon na nagpapatunay ng uri at petsa ng sapilitang pagkakatanggal sa trabaho mula sa DOLE kasama ang alinman sa sumusunod :

· Notice of Termination mula sa Employer
· Affidavit of Termination of Employment

3. Narito sa mga sumusunod kung saan maaaring mag file ng application para sa DOLE certification

· DOLE Field o Provincal Office kung saan nakabase ang kompanya
· POLO kung saan ng o operate ang kanilang employer o DOLE Field o Provincial Office kung saan naninirahan ang OFW, para sa mga OFW.



Recent Post

recentpost